BONG GO SA PAGTAKBO BILANG PANGULO SA 2022 ELECTIONS

Sinamahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Go ngayong araw, Nobyembre 13 sa COMELEC main office sa Intramuros, Manila para i-withdraw ang naunang kandidatura nito sa pagka-Bise Presidente at kalaunan ay naghain ng kandidatura sa pagka-Presidente.

Tatakbo si Senador Bong Go sa pagka-Pangulo upang masigurong maipagpatuloy ang mga magagandang pagbabagong sinimulan ni Pangulong Duterte. Ipagpatuloy at dagdagan pa ang mga programa at serbisyong sinimulan upang tuluyang maisakatuparan ang mas maginhawang buhay para sa mas maraming Pilipino, ayon sa senador.

“Mahal ko ang aking kapwa Pilipino. Gusto ko pong magserbisyo sa kanila at pangako ko sa inyo: walang isang oras, walang minuto na masasayang. Magseserbisyo ako sa inyong lahat,” sabi ni Go.

BisyoAngMagSerbisyo

TuloyAngPagbabago ðŸ‘Š

Post a Comment

0 Comments