NCRPO: Holy week activities, bawal muna


Nagpaalala ang Hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bawal ang anumang church activities gaya ng prusisyon, Bisita Iglesia at pabasa habang nagpapatuloy na umiiral ang enhanced community quarantine ngayon Holy Week.

Also Read: Pinakamalaking barko ng PCG, nasa PHL na para sa COVID-19 efforts

Ayon kay Police Major General Debold Sinas, lahat ng mass gathering o anomang anyo nito ay mahigpit na ipagbabawal.

Ayon kay Sinas, karaniwan sa mga aktibidad sa tuwing magse-Semana Santa ay halos mass gathering lalo't nag-aaya pa ng tao o ng mga kapitbahay ay hindi nila sasantuhin.

Dahil dito, pinayuhan nalang ni Sinas ang publiko na manalangin nalang sa kanilang bahay bilang paggunita ngayon Holy Week.

Source: Bridaga News

Post a Comment

0 Comments