Andi Eigenmann is open to the possibility of falling in love again



Hindi raw isyu kay Andi Eigenmann kung sakaling paglaki ng kanyang anak na si Ellie ay hanapin nito ang kanyang ama. “All that matters is that my daughter will be complete and it’s okay for me for her to look for her father [and] if it’s okay for her father to meet her because it’s Ellie’s right. I’m fine with that kasi hindi na ako mahihirapan sa pag-e-explain. Pero para sa akin sasabihin ko sa kanya ang totoo,” mahabang paliwanag ni Andi. Ang itinuturong ama ng bata ay ang young actor na si Albie Casiño.

Tila hindi rin isyu kay Andi kung hindi man makasama ng kanyang anak ang tunay na ama nito. “Para sa akin, naniniwala naman po ako na pwede pa ring ma-in love, pwede pa rin siyang magkaroon ng daddy kasi para sa akin wala sa biology ang daddy. Kung sino ang tuturing sa kanya ng anak, ‘yun ang ituturing niyang daddy,” pahayag ng aktres.

Pero paglilinaw niya, wala pa namang nanliligaw sa kanya at ang prayoridad niya ngayon ay ang kanyang anak. Ayaw raw muna niyang isipin ang tungkol sa paghahanap ng magiging katuwang sa buhay.

Wala na rin daw siyang galit sa ama ng bata dahil aniya, kung hindi dahil sa nangyari ay hindi siya magkakaroon ng anak na nagdudulot sa kanya ng lubos na kaligayahan ngayon. “If not for anything that happened in the past, I wouldn’t be where I am now and I’m really happy and I’m very, very happy being with Ellie. Masaya ako, wala akong regrets at wala na akong dahilan para magkaroon ng sama ng loob. Masaya naman ako ngayon.”

Nagiging maganda na rin ang figure ni Andi matapos manganak at aniya, pinagpapaguran niya daw ito. “Dini-discipline ko ang sarili ko to make sure that I’ll be better than how I looked before. Isa ito sa mga steps para maipakita ko na I deserve [a second chance at showbiz]. Gusto ko ipakita na masaya ako at pagbubutihin ko ‘yung pagbibigay nila sa akin ng second chance. Magko-concentrate ako sa sarili at pagmo-mold sa sarili kong craft at ipapakita sa mga tao na hindi lang ako mukha sa telebisyon pero meron din akong talent na katulad ng mga meron ang mga magulang ko.”

Para naman sa mga katulad niyang single mom, may advice si Andi. “Natutunan ko ‘yon kung ano sa tingin mo ang tama, ‘yun ang gawin mo. Laging hindi mo dapat iisipin ‘yung iisipin sa ‘yo ng iba. Dapat maging totoo ka lang and because of that, because I did something which I believe is right, now everything is falling into place and I’m way happier.”

Post a Comment

0 Comments