Dagdag pa ni Angelica, matagal na raw ang nasabing isyu kaya’t nagtataka siya kung bakit muli na naman itong nahalungkat. Ang nagsabi raw sa kanya ay ang bestfriend ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay. Tinawagan naman daw siya ni Derek dahil daw nag-alala ang ama ni Derek para sa aktres.
Muli ay idiniin niya na hindi siya ang babae sa nude photo. “Ang ganda kaya ng body ko,” pagbibiro ng aktres. “Hindi ako ganun mag-bra. Baliktad siyang mag-bra. Flexible kaya ako, hello!”
Paliwanag pa ni Angelica kung siya man daw ang nasa larawan ay malalaman niya kung saan kinunan at kung sino ang kumuha ng picture pero hindi raw talaga siya iyon.
Itinanong ng host na si Charlene Gonzales kung sa tingin ba ni Angelica ay taga-showbiz ang nagpapakalat ng nasabing litrato. “Ayaw kong mag-isip ng pangit kasi masyado po akong happy,” buwelta ng dalaga.
Mensahe naman niya sa mga taong naninira sa kanya, “Mamatay kayo sa inggit dahil ganito ako kaganda,” natatawa niyang sagot. Masuwerte raw siya na mabigyan ng talento ng Diyos at mayroon daw siyang mga kaibigang tunay na nagmamahal sa kanya.
0 Comments